| Ang aming mga propesyonal na tagapagsalin sa Tagalog ay nagbibigay ng serbisyo ng pagsasalin na may lubos na kaalaman sa pinagmulang wika, target na wika at sa paksa. Nagbibigay lang ng proyekto sa pinakamahusay, may karanasang tagapagsalin sa wikang Tagalog, ang BlueGlobe ay makakapagsalin ng anumang uri o laki ng proyekto, kabilang ang: mga website, e-mail, sulat, magasin, dokumentong may kaugnayan sa batas, pahayagang pangmedikal, manwal na panteknikal, aklat, resipe, menu, iba pa…kahit tattoo! Kaya, nagsasalin kami ng mga proyektong mula sa malalawak na larangan: legal, pinansyal, medikal, teknikal, marketing, iba pa. Nag-iingat nang lubos na iwasan ang maling pagsasalin, matitiyak ng BlueGlobe sa mga kliyente na lahat ng isinumiteng materyal ay isasalin lang ng katutubong tagapagsalin sa wikang Tagalog. Ang tagapagsalin na hihirangin para sa proyekto ay kailangang may napapatunayang karanasan at tiyak na kaalaman sa larangan ng proyekto ng kliyente. Maliban sa pundamental, maiintindihan din nila ang nakapaloob na “paraan ng wika” na kailangan upang makamit ang perpektong salin. | 

|
Bakit ang Globe International? Dahil ipinagmamalaki namin ang aming trabaho at pinapahalagahan ang resulta! Bilang nangunguna sa internasyonal na merkado ng mga serbisyong pangwika (translation, interpreting, copywriting, localization, iba pa.), nagagawa naming maghandog ng mga serbisyo sa antas na pambuong mundo sa kapwa mga indibidwal at mga negosyo. Upang magbigay ng 100% tamang pagsasalin sa aming mga kliyente, ginagawa ang serye ng pagsusuri sa kalidad sa bawat yugto ng pagsasalin. Ang kapayapaan ng inyong isip ay mahalaga sa BlueGlobe at, sigurado, tatanggapin ninyo ang kalidad na nararapat at inaasahan. - 100 ng Malalaking Wika sa Buong Mundo
- Lahat ng Espesyalisasyon
- Pinaka-kompetitibong Singil
- Kalidad na mga Serbisyo
- Pinakamataas na Antas ng Pangangalagang Pangkustomer
- Pinakamabilis na lumalaking kompanya ng pagsasalin sa mundo
- Kabilang sa 100 na napatunayang Tagapagbigay ng Serbisyo sa Pagsasalin
- Konsepto ng Kompanya Mula sa Pagsisimula hanggang sa Pagtatapos
- Matatawagan 24 oras araw-araw, 7 araw bawat linggo
Ang aming 10 hakbang sa Programa para Pagsiguro sa Kalidad Ang pagsunod sa bawat yugto ng aming programa para sa pagsiguro sa kalidad ay nagtitiyak sa pinakamahusay na kalidad sa lahat ng proyekto ng pagsasalin sa wikang Tagalog: - Ang bawat proyekto ng pagsasalin sa wikang Tagalog ay i-aanalisa ng mahusay na tagapangasiwa ng proyekto
- Gagawin ng tagapangasiwa ng proyekto ang detalyadong plano ng pagsasalin
- Ang proyekto ng pagsasalin ay ibibigay sa isang propesyonal na tagapagsalin
- Eksklusibong ididisenyo ang isang pangterminolohiyang database para sa proyekto
- Ipo-program ang isang CAT-tool para sa proyekto
- Isasalin ang proyekto sa wikang Tagalog
- Palaging may Pagsusuri para sa Pagkokontrol sa Kalidad.
- Ilalagay ang salin sa hinihiling na pormat (DTP)
- Ang buong salin ay rerepasuhin nang dalawang beses ng isang katutubong tagapagsalita
- Ang Huling Pagrerepaso ay gagawin ng tagapagsalin at ng tagapangasiwa ng proyekto – Pagsusumite sa kliyente
Ang aming global na network ng mga kwalipikado, bihasa at propesyonal na tagapagsalin ay nagtitiyak sa kakayahan ng BlueGlobe na maghandog ng mabilis na pagsusumite ng kahit na pinakamalaking proyekto na may mahigpit na deadline. Kahit ano pa man ang mga rekisito ng pinagmulang wika papunta sa target na wika (Tagalog papunta sa English (US), English (US) papunta sa Tagalog), o ano pa mang pares ng wika (Spanish (Mexican)-Thai, Greek-Persian, iba pa), ang pagiging wasto at kalidad ng inyong proyekto sa pagsasalin ay tinitiyak sa BlueGlobe International. Singil sa Pagsasalin – wikang Tagalog Ang bilang ng mga sanhi (kombinasyon ng wika, hinihiling na deadline, bilang ng salita sa proyekto, pormat ng dokumento, iba pa) ay nakakaapekto sa presyo ng proyekto sa pagsasalin. Para sa tamang presyo, i-click lang ang 'Request a Quote' at kompletuhin ang online na form. Ang mga file ng dokumento ng paksa ay maaaring i-email, na nagbibigay ng mahalagang impormasyon at dokumentasyon na kailangan para sa tamang presyo, na walang karagdagang kubling gastos. Ang BlueGlobe International ay palaging nariyan upang mabigyang serbisyo ang aming mga kliyente, 24 oras araw-araw, 7 araw bawat linggo! Gagawin ng aming palakaibigang mga kawani ang lahat ng makakaya upang matulungan kayo sa inyong proyekto. Operator ng Teleponong May Tagapagsalin ng Wika: English - Russian - Spanish +1.541.330.0450 (USA) Ang aming sentro para sa panteknikal na tulong (24/7) ay inihahandog sa: English - Russian - Spanish
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
Praybasiya & Serbisyo Ang praybasiya ng aming mga kliyente ay napakahalaga sa BlueGlobe International. Maging mapanatag na lahat ng mga dokumento, proyekto, email, sulat, dokumentasyon, at iba pa, ay iingatan sa ilalim ng aming mahigpit na alituntunin sa praybasiya. Ang aming di-nagbabagong layunin ay gawing komportable at kumpiyansa ang mga kliyente sa aming mga serbisyo, mangyaring bumisita sa aming website at repasuhin ang aming Privacy Policy. Ang pahinang ito ay magbibigay ng kaalaman sa mga kliyente tungkol sa uri ng impormasyon na kinokolekta namin, paano ito pinapangalagaan, at lahat ng opsyon ng kliyente kung paano gagamitin ang impormasyon. Hinihimok namin kayong i-download ang aming Privacy Policy upang lubos na maintindihan ang aming buong komitment sa mga serbisyo at praybasiya. Siyempre, nagpapasalamat kami sa inyong komento at partisipasyon! Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mataas na antas ng integridad at di-mapapantayang paninindigan sa serbisyo, ang BlueGlobe International ay masayang nakapagpundar ng kliyenteng nagtitiwala nang lubos sa aming kompanya sa kanilang mga proyekto at personal na impormasyon. Bilang paulit-ulit na kliyente, sila ang aming pinakamalaking kayamanan. Translated by Hilda Alcala |